Posted by: Leap of Faith | December 10, 2007

8


Countdown

more days to go…

Tagalog entry due to senstitivity of contents.

Asar ako sa amo ko kahapon.  Nakuha na daw niya yung billing ng air tickets namin pa-uwing Pinas. Nagulat daw siya kasi ang mahal at, dahil doon, nagduda siya kung talaga bang kasama sa kontrata ko ang tickets ng aking buong mag-anak.

Para sa kaalaman ng lahat, karaniwan sa mga employment contracts dito sa Mid East ang libreng pamasahe (taon-taon) pauwi sa bansang pinagmulan ng foreign worker.  Para sa ibang sinu-swerte (katulad ko), ang tickets ng buong pamilya ay sinasagot din ng employer.

Hindi ko alam kung bakit parang nagulat ang amo ko sa kanilang dapat bayaran.  Parang hindi niya alam na marami ata akong anak. Dapat nga ay mag pasalamat siya at ligated na ang asawa ko, kung hindi pararamihin ko pa ang mga dapat nilang bayaran.

Mabait naman ang amo ko, kaso sa pagkakataong ito bumaba ang tingin ko sa kanya. Hindi ko alam kung nag babalat sibuyas lang ako. Pero, ang dating sa akin ng kanyang ginawa ay parang pinagdududahan niya ako (at kaming mga Pinoy). 

Dapat ata kaming mag-strike! 🙂 Pero, sige, palalampasin ko muna ito.  Sana huwag mo na itong ulitin, Kuya, kung hindi magsisisi ka.

Ano po ang tingin niyo, Ate Charo?

Advertisements

Responses

  1. Dahil sa malapit na rin naman ang kapaskuhan, patawarin mo na muna si “Koya”, Hon. 😆 Marahil, dahil sa tindi ng kanyang pagkalungkot sa iyong paglisan kaya gumagawa siya ng mga kung ano-anong gimik na nakakaasar… Sinabi mo nga, medyo baluktot silang mag-isip kadalasan, di ba?

    Charge it to experience na lang … 😉

    Salamat, Ate, sa iyong mabubuting salita. Ako ay tunay na naliwanagan. Sa pagkakataong ito’y siya’y aking pinapatawad dahil sa nalalapit na kapaskuhan. Buti na lang at ako’y nag hahanda na sa ating pag-uwi. Kapag ako’y kanyang pinigilan, eh, maghahalo na ang balat sa tinalupan!

  2. koya pete, nabasa namin ni inang ang iyong “nakapagbabagbag-” (ano ba yan, alam mo na ang ibig kong sabihin) damdamin (“tatsing”, in other words) na sinulat… kami ay parehong nalungkot sa iyong naranasan. subalit, di rin namin mapigilang tumawa sa iyong blog. kami ay naluha-luha sa kakatawa. buti naman at pinalampas mo na ang ginawa ng amo mo, alang-alang sa nalalapit na pagsilang ni Hesus. (i feel the “goosebumps”)

    deo macalma moment muna tayo: ayon sa aking bibwit…HAPPY BIRTHDAY muna sa ating ama na si Hesus noong ika-8 ng disyembre…at HAPPY BIRTHDAY din kay Ati sa kapaskuhan.

    wala na pala akong sasabihin. pagpasensiya mo na at naubos ang tagalog ko! sige po, sa uulitin. sana, nasa mabuti kayong kalagayan lahat. ilang tulog na lang at tayo’y magkakatagpo muli!

    nagmamahal,
    ‘Soy & Inang 🙂

    Soy at Inang, ako’y natutuwa naman sa inyong pag-daan dito sa aking munting mundo. Tunay na nakakasama ng loob ang mga nang-yari kamakailan. Ngunit, tulad ng sabi ninyo ni Ati, nararapat ngang palampasin muna ito. Ako’y kailangang matutong magpigil ng aking mga pabugso-bugsong damdamin dahil baka ako ay magsisi sa huli.

    Salamat sa inyong pagpapaala sa masayang okasyon ng pagsilang ng ating amang si, Hesus (kilala din bilang si Jayser), at ng ating minamahal na Ati. Sana ay masayang ang inyong munting salo-salo ng isang gabi.

    Kami ng aking buong mag-anak ay hindi na mapakiwari dito sa aming nalalapit na pagkikita. Sana ay ganoon din ang inyong nararamdaman.

    Ako’y magpapaalam na muna. Hanagang sa muli nating pagkikita.

    Nagmamahal,
    Koya Pete

  3. mabuhay! 😀 keith, mabuti na nga lang at ligated na si pinky…”pararamihin ko pa ang mga dapat nilang bayaran”. hahaha!

    nasabi na nila. ikaw ang nasa tamang pag-iisip kaya ikaw ang umintindi. 😉

    at sya nawa. 😀

    hay, Weng, nakakapagod. dito sa parte ng mundong ito, ikaw lagi ang dapat mag-intindi. kadalasan, ikaw ang laging talo dahil sa lahi mo. napapa-isip nga ako minsan kung okay ba yung ganito sa pangmatagalan… o panginoon, tulugan niyo po kami!!!!

  4. buti ka nga mapagtimpi, kung ako yun baka nabigyan ko ng magnifying lens yung boss mo with matching stabilo highlighter. 😀

    huwag mo na pansinin yan, masisira lang ang araw mo 😛

    hay, meeya, sometimes ang hirap magtimpi but that is the only thing you can do. anyway, hope this does not happen again in the future.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: